Local hog industry, 2-3 taon bago maka-recover sa epekto ng ASF - DA
MANILA, Philippines — Bibilang pa ng mula dalawa hanggang tatlong taon bago makabangon ang mga stakeholders ng local hog industry mula sa pinsala ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.
Ito ang paniwala ni Agriculture Assistant Secretary at spokesman Arnel de Mesa kaugnay ng kundisyon ng local hog industry sa pamiminsala ng ASF sa mga babuyan.
Anya, patuloy pa rin ang pagbabakuna sa mga baboy at naging maganda naman ang resulta sa mga nabakunahan.
Sinabi ni de Mesa na hinihintay ngayon ng DA ang approval ng Food and Drug Administration (FDA) para sa kanilang clearance sa commercial rollout ng ASF vaccine na maaaring maipatupad bago matapos ang taong kasalukuyan bago maipatupad ang aggressive repopulation plan na siyang magiging daan na maibalik ang domestic production sa pre-ASF levels sa taong 2028.
Mula 2019 nang sumibol ang ASF outbreak, ang national hog inventory ay bumaba mula sa 13 milyong baboy ay naging 9 milyong baboy na lamang.
- Latest