^

Bansa

Rep. Salceda, isusulong Aleco modernization, pagsasaayos sa tubig, agro-ecotourism, at agri-development

Pilipino Star Ngayon

POLANGUI, Albay, Philippines —Tiniyak ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda, na nanalo sa katatapos na eleksyon, na isusulong niya ang modernisasyon ng Albay Electric Cooperative (Aleco), isang malubhang suliraning nagpapasadsad sa pag-unlad ng Albay sa loob ng ilang dekada na.

Ipinangako din ni Salceda na sisikapin niyang ayusin ang problema sa kakulangan ng tubig sa malaking bahagi ng kanyang distrito at palaguin ang makabagong agrikultura na pangunahing hanap-buhay ng kanyang mga kababayan, gayundin ang pamuhunan ng pamahalaan sa mga imprastrakturang pang-turismo na magsusulong sa ‘agro-ecotourism’ ng Ligao City.

“Isusulong naming maging modernong lungsod ang Ligao, kung saan ilalagay ang aking ‘District Office’ dahil nasa gitna ito ng distrito. Bukod dito, gagawin din de-kalidad ang flood control projects na makatutulong sa mga magsasaka na madalas palubugin ng baha ang mga bukid, lalo na sa mga bayan ng Oas, Polangui at Libon,” giit niya.

Napakahalaga din ng mga ito sa ”full internationalization” ng Bicol International Airport operations sa bayan ng Daraga, na ‘top priority’ sa ilalim ng programang ‘Global Albay’ na inilatag ng kanyang amang si dating 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda, na ngayon ay isusulong din niya.

“Ang tagumpay ng BIA ay tagumpay din ng aking distrito at ng buong Albay,” ayon sa bagong mambabatas na dating Mayor ng Polangui at pangulo ng League of Municipalities of the Philippines (LMP)-Albay Chapter.

Nanalo siya sa katatapos na eleksyon batay sa malakas niyang programang HEART 4S na ang estratehiya ay siya ring nagpasulong sa kanyang bayan at inaasahang magpalago din sa kanilang distrito.

Ang programang HEART 4S ni Salceda ay nakatuon sa ‘H-Health; E-Education; A-Agriculture; R-Rural Infrastructure; T-Tourism, Trade and Transportation (HEART).’ Kalakip naman sa bahaging 4S nito ang ‘Social Services, Senior Citizens and Solo Parents, Small and Micro Enterprises, and Sports and Youth Development.’

Nakatuon din ito sa pangunahing prayoridad nito – ang modernisasyon ng  Aleco kung saan tiniyak niya ang pagtatatag ng ‘power substation’ sa bawat bayan sa Albay na pasisimulan sa kanyang distrito – upang ang problem sa isang bayan ay hindi makaapekto sa mga karatig bayan.

ALBAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with