Arnell Ignacio inalis sa OWWA

MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Migrant Workers Undersecretary Patricia Yvonne Caunan bilang bagong administrador ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), kapalit ni Arnell Ignacio.
Si Caunan ay nanumpa sa tungkulin sa harap ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac nitong Biyernes.
Bago maitalaga bilang administrador ng OWWA, nagsilbi si Caunan bilang Undersecretary for Policy and International Cooperation ng DMW mula Agosto 2022 hanggang sa kasalukuyan.
Sa kanyang panunungkulan bilang Undersecretary, tumulong si Caunan sa pakikipagkasundo at pagpirma ng 15 bilateral labor migration agreements simula noong 2022.
Layon ng bawat kasunduan na palakasin ang proteksyon at kapakanan ng mga OFW sa mga bansang katuwang, kabilang ang Canada, Austria, Saudi Arabia, Qatar, Finland, Denmark, Singapore, Croatia, Slovenia, at Kuwait.
Isa rin siyang aktibong tagapagtanggol ng karapatan ng mga migranteng manggagawa, na nagbibigay ng libreng legal na tulong at payo sa iba’t ibang paraan.
- Latest