Teston, bagong FDA director general
MANILA, Philippines — Nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng bagong director ng Food and Drug Administration (FDA).
Inanunsiyo ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na itinalaga ng Pangulo si Health Undersecretary Atty. Paolo Teston bilang bagong director general ng FDA.
Wala namang ibinigay na dahilan si Castro kung bakit pinalitan si Dr. Samuel Zacate sa kanyang puwesto.
Si Zacate ay nagsilbing lead physician ni Pangulong Marcos Jr.
Samantala, welcome naman sa FDA bilang bagong director general at sinabing ang pagtatalaga dito ay bagong chapter ng ahensiya.
- Latest