^

Bansa

Mga halal ng gobyerno ‘di pinagbabantaan ng Malakanyang

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ng Malakanyang na binantaan nila ang mga bagong halal na opisyal lalo na ang mga ­“obstructionist” na nagtatago bilang oposisyon.

Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro kay Sen. Bato dela Rosa na hindi umano nagustuhan ang pahayag nito na tila nagbabanta sa mga hindi kasangga ng gobyerno.

Paliwanag ni Castro, wala siyang pinagbantaan ninuman at wala siyang pinangalanan dahil pangkalahatan ang pinatungkulan nito lalo na yung mga gumagawa ng fake news at hindi tamang mga pahayag.

“Wala po tayong trineten (threatened) wala po tayong trineten na senador. Sana po ito ay napakinggan man lang sana niya iyong mga words na aking nasabi, para siguro po maiiba ang kaniyang impresyon at ang kaniyang tugon, kung narinig niya iyong buo kung sinabi,” giit pa ni Castro.

Ang nais aniya ng ­gobyerno ay magtuluy-tuloy ang paghahatid ng mga serbisyo at magagan­dang proyekto at walang mga magiging balakid sa pagpapatupad nito.

“With all due respect to Senator Bato dela Rosa, bato-bato sa langit ang tamaan ay huwag magalit. Unang-una wala tayong pinapangalanan na sinoman, ito ay pangkalahatan. Ang nais natin sa taong bayan ay huwag maging obstructionist para magtuluy-tuloy ang magagandang proyekto at programa ng Pangulo at ng administrasyon,” saad ni Castro.

Kung sana aniya ay napakinggan ni Bato ang kanyang naging pahayag ay tiyak na mag iiba ang impresyon nito dahil wala siyang pinagbantaan partikular na ang mga opisyal at halal sa gobyerno.

MALAKANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with