P20 kilo ng bigas mabibili sa Camp Crame
MANILA, Philippines — Hindi nagpahuli ang Philippine National Police sa pagbebenta ng murang bigas ng pamahalaan matapos na ihayag na mabibili na ang P20 per kilong bigas sa loob mismo ng Camp Crame.
Nabatid na nagsimula ang bentahan ng bigas kasunod ng pagpapadala ng Department of Agriculture (DA) ng inisyal na 10 sako ng bigas.
Nilinaw ng PNP na ito ay para sa priority sector o mga vulnerable na grupo gaya ng senior citizen, persons with disability, buntis at solo parent.
Samantala, kahit hindi empleyado ng PNP ay maaaring pumasok sa kampo para bumili ng murang bigas.
Layon ng pamahalaan na maihatid ang murang bigas sa mga lugar na marami mas nangangailangan.
Bukod sa P20 na bigas, tuloy din ang bentahan ng murang gulay sa Kadiwa sa Camp Crame tuwing Biyernes.
- Latest