Pagtanggal sa K-12, fake news! - DepEd

MANILA, Philippines — Tinawag na fake news ng Department of Education (DepEd) ang mga ulat na aalisin na ang K-12 Program sa School Year 2025-2026.
Sa isang social media post kamakalawa ng gabi, mariing pinabulaanan ng DepEd ang naturang balita.
“The post circulating on social media about the elimination of the K to 12 program in the upcoming SY 2025-2026 is fake news,” ayon sa DepEd.
Kaugnay nito, nagpaalala rin ang DepEd sa publiko na maging maingat at tiyaking maniniwala lamang sa mga impormasyong mula sa mapagkakatiwalaang sources.
“DepEd reminds the public to be cautious and critical against misinformation,” dagdag pa ng DepEd.
Hinikayat din ng DepEd ang mga mamamayan na kaagad na ireport sa kanilang tanggapan ang anumang nagsusulputang fake news na may kinalaman sa basic education.
Maaari anila itong iulat sa kanilang email sa [email protected].
- Latest