Pangulong Marcos kuntento sa resulta ng eleksyon
MANILA, Philippines — Kuntento si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naging resulta ng katatapos lamang na midterm elections nitong lunes, Mayo 12.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na satisfied ang Pangulo sa katatapos lang na eleksyon dahil nalaman na ang ibang mga naboto ay mayroong sariling dignidad, sariling paniniwala at ang karamihan sa nanalo ay para sa bayan at hindi para sa ibang bansa.
Anim sa 12 pambato ng administrasyon ang pumasok sa magic 12, habang ang iba ay mula sa oposisyon at sa partido ni dating vice-president Leni Robredo.
Naniniwala rin si Pangulong Marcos na malaki pa rin ang suporta ng taumbayan sa administrasyon ngayon dahil base sa pinakahuling survey ay pinapakita nito ang mataas na trust rating ng presidente.
Itinanggi naman ni Castro ang paratang ni dating secretary Harry Roque na ikinokonsidera nang “lame duck” dahil na rin sa naging resulta ng katatapos lang na eleksyon.
“Kung lame duck po ang Pangulo at parang balewala na po ang administrasyon, dapat bumalik po siya kaagad dito,” sagot ni Castro.
- Latest