^

Bansa

Pangulong Marcos nagpasalamat sa mga Pinoy sa pakikiisa sa eleksyon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos nagpasalamat sa mga Pinoy sa pakikiisa sa eleksyon
Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Nagpaabot ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino na nakiisa sa eleksyon kahapon.

Sinabi ng Pangulo na muling naipakita ng bansa ang diwa ng ­demokrasya sa pamamagitan ng ­maayos, mapayapa at may dignidad na ­eleksyon.

Umaasa rin si Pa­ngulong Marcos sa mga naluklok na opisyal na makikinig sa mga hinaing ng taumbayan, harapang tutugunan at aaksyon sa mga hamon ng inflation, trabaho, korapsyon at sa pang araw-araw na hamon na dalahin ng mga Pilipino.

Nagpasalamat naman ang presidente sa mga taong sinuportahan ang mga kandidato ng admi­nistrasyon, hindi man aniya nila napagwagian ang 12 na puwesto ay magpapatuloy pa rin ang kanilang trabaho at misyon.

Sa mga hindi naman nanalo ay nirerespeto niya ang tapang ng mga ito at paninindigan para sa public service at naipapakita rin ito kahit sa labas ng mukha ng eleksyon.

Nanawagan din ang Pangulo na ngayong ­tapos na ang eleksyon ay ituloy ang pag-usad at hindi para balikan ang nakaraan kundi para sa hinaharap.

Kasabay nito, ­inihayag naman ni ­Marcos na iniaabot niya ang kamay sa mga bagong luklok na opisyal ng bayan kahit saan pa man silang kabilang na partido at magkaisa silang lahat sa iisang pag-iisip para sa isang misyon na “shared responsibility” na pangasiwaan ng maayos ang pamahalaan para sa produktibong bansa.

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with