104 puwesto sa Kamara nasungkit ng Lakas-CMD
MANILA, Philippines — Nanatiling nangungunang partido pulitikal ang Lakas-CMD sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez matapos masungkit ang 104 puwesto sa Kamara.
Sa kabuuang 128 congressional candidates na kumandidato sa ilalim ng Lakas-CMD ay 104 sa mga ito ang nagsipagwagi na magtatrabaho sa papalapit na 20th Congress base sa data na ipinadala ng Comelec kay Lakas-CMD Executive Director Anna Capella Velasco.
“This is a vote of confidence not just in our candidates, but in the kind of leadership and unity that Lakas-CMD represents. As party President, I am deeply grateful to the Filipino people for reaffirming our role as a driving force for progress and good governance,” saad ni Romualdez.
Kabilang naman sa naging matagumpay sa halalan ay 79 reelected incumbents at 25 mga bagong kinatawan.
“Lakas-CMD is not just winning elections—we’re building a long-term vision of leadership, service, and nation-building. With this fresh mandate, we are ready to work harder, legislate better, and serve every Filipino with even greater urgency,” giit pa ng Speaker na muli ring nagwagi bilang kinatawan ng Leyte 1st District.
- Latest