^

Bansa

Poll watchers na tumulong mag-shade ng balota, kakasuhan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Poll watchers na tumulong mag-shade ng balota, kakasuhan
Voters rush to cast their ballots at Rosauro Almario Elementary School in Tondo, Manila, an hour before polling centers close at 7 PM on May 12, 2025.
Ryan Baldemor/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Sinibak na ay mahaharap pa sa kaso ang mga election watchers na naaktuhan sa isang video na nagsi-shade ng balota ng mga botante sa isang polling precinct sa Abra, sa kasagsagan ng halalan kahapon.

“The two election watchers were fired and cases will be filed against them,” ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia.

Nakarating sa kaalaman ni Garcia ang isang Facebook video kung saan makikita ang dalawang election watchers, na isang lalaki at isang babae, habang nagsi-shade ng balota ng mga botante.

Sa nag-viral na video na ipinaskil sa Facebook ng isang Joy Bernos, maririnig ang isang babae na nagre-report hinggil sa insidente.

“Chairman of the BEI, I would like to report that we are having the votes be shaded by the watchers and ballot secrecy voters are not being used,” anang babae.

Kahit nagre-report na ang babae at ibini-video ang insidente ay tuloy pa rin umano ang mga naturang poll watchers sa pag-shade sa balota ng mga botante.

Iniulat din naman nito ang presensiya ng election paraphernalia sa loob ng voting precinct na makikitang siyang kinokopya sa pagboto.

Makikita rin sa naturang video ang isang watcher na gumagamit ng cellphone sa loob ng polling precinct.

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with