^

Bansa

Comelec en banc, nag-convene bilang Board of Canvassers

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Opisyal nang nag-convene bilang National Board of Canvassers (NBOC) para sa 2025 midterm elections ang Commission on Elections (Comelec) en banc kahapon ng hapon.

Si Comelec Chairperson George Garcia ang nanguna sa en banc session dakong alas-3:30 ng hapon, na sinundan ng appearance ng mga abogadong kumakatawan sa mga national candidates.

Ang NBOC ang siyang mangunguna sa pagbibilang ng mga boto para sa kandidato sa national elections.

Ang midterm elections sa bansa ay sinimulan ng Comelec, sa pamamagitan ng early voting hours, mula alas-5 ng madaling araw hanggang alas-7 ng umaga, para sa vulnerable sectors o ­yaong mga senior citizen, buntis at may kapansanan.

Matapos ang early voting, kaagad ipinagpatuloy ng Comelec ang regular voting hours, na sinimulan naman mula alas-7 ng umaga at nagtapos alas-7 ng gabi.

Gayunman, lahat ng mga botante na nakapila na sa polling precincts ay pinahintulutan pa ring makaboto paglampas ng alas-7 ng gabi.

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with