^

Bansa

Pangulong Marcos puwede raw ma-impeach sa Duterte arrest

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos puwede raw ma-impeach sa Duterte arrest
President Ferdinand Marcos Jr. on May 4, 2025.
STAR/ Ryan Baldemor

Palasyo tinabla si VP Sara

MANILA, Philippines — Kinontra ng Malakanyang ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na maaaring ma-impeach si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa pagpapaaresto nito kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, walang basehan ang pahayag ni VP Sara na impeachable offense ang ginawa ni Pangulong Marcos sa dating pangulo at labag sa konstitusyon.

“Ang opinyon na nanggagaling sa bise presidente ay walang pinanggagalingan, walang basehan,” pahayag pa ni Castro.

Nanindigan din si Castro na sinunod ng gobyerno ang proseso sa pakikipagtulungan sa Interpol at ito ay naaayon sa batas dahil ang dating pangulo ay akusado at suspek sa crimes against humanity, partikular ang murder.

Iginiit din niya na hindi pagsuko ng soberanya ang ginawa ng gobyerno kundi pagsuko ng isang akusado.

“Ang pamahalaan, nagsuko man kay dating ­Pangulong Duterte, siya ay kinokonsiderang akusado, isang suspect sa crime against humanity, particularly murder na ang nagsampa ay kapwa Pilipino,” sinabi pa ni Castro.

FERDINAND MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with