^

Bansa

Palasyo kay VP Sara: ‘Wag maging asal bata

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Palasyo kay VP Sara: ‘Wag maging asal bata
Vice President Sara Duterte holds a press conference at the Office of the Vice President in Mandaluyong on December 11, 2024.
STAR/ Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng Malakanyang si Vice President Sara Duterte na huwag ma­ging asal bata dahil hindi isang malaking playground ang gobyerno.

Sinabi ni Palace Press Office Undersecretary Atty. Claire Castro, lumalabas ang tunay na anyo ng Bise Presidente bilang isang public servant matapos niyang sabihin na imposibleng makapagbenta ng P20 kada kilo ng bigas subalit alam niya kung paano ito gawin at hindi niya ito ise-share o ibabahagi kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Castro, nagpapakita lamang na makasarili si VP Sara dahil ayaw niyang tumulong sa Pa­ngulo kung talagang mayroon siyang kaalaman.

Dagdag pa niya, kung may kaalaman para sa taumbayan ay dapat agad itong ibinabahagi at isinasagawa at hindi na kailangan pa na kumuha ng timing.

“Hindi na naiisip ng Bise Presidente ang kapakanan ng taumbayan lalo na ang iba ay nahihirapan na bumili ng bigas sa kahit na mababang presyo”.

Paalala pa ni Castro kay VP Sara, ang paglilingkod sa bayan ay hindi isang laro  at ang gobyerno ay hindi malaking playground kaya huwag naman siyang maging asal bata.

MALAKANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with