PSA: 18.9 milyong nagtapos na junior, senior high hirap makaunawa
MANILA, Philippines — Nasa 18.96 milyong Pilipino na nagtapos ng senior at junior high school noong 2024 ang hindi o hindi nakakaintindi ng simpleng kwento, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) sa pagdinig ng Senate committee on Basic Education.
Tinukoy ng PSA na ang isang “functionally literate” na tao ay isang taong marunong magbasa, magsulat, mag-compute, at umunawa.
“Kung titingnan mo ang 2024 figure, may 18 million students na na-detect ng PSA na senior high school graduates at junior high school graduates, pero hindi functionally literate,” ani Sen. Sherwin Gatchalian.
“Meaning nagtapos sila sa ating basic education system, pero hindi sila marunong magbasa, hindi nila maintindihan, at nakakaintindi ng simpleng kwento,” dagdag ni Gatchalian.
Ayon pa sa senador, hindi ito dapat mangyari, kung isasaalang-alang na ang pinaka-“basic goal” ng edukasyon ay ang maging functionally literate ang mga estudyante.
Ipinakita rin sa pagdinig na mayroong humigit-kumulang 24.8 milyong Pilipino na may problema sa pag-unawa sa isang simpleng kuwento.
“Ito ang bigat ng sitwasyon natin ngayon,” ani Gatchalian.
Ibinunyag ni Assistant National Statistician Adrian Cerezo, na 79 porsiyento lamang ng mga senior high school graduates sa buong bansa noong 2024 ang “functionally literate.”
- Latest