Bong Go, ‘DuterTEN’ nakuha malakas na suporta sa Bataan
MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga kapwa kandidato sa pagkasenador mula sa Partido Demokratiko Pilipino (PDP) at iba pang senatoriable na inendorso ni dating Pangulong Duterte, ang isang motorcade sa Bataan, at nakakuha sila ng malakas na suporta mula sa mamamayan ng lalawigan.
Kasama ni Go sina Senator Ronald “Bato” dela Rosa, Phillip “Ipe” Salvador, Atty. Jayvee Hinlo, Atty. Raul Lambino, at Dr. Richard Mata. Kabilang din sa DuterTEN slate sina Congressman Atty. Rodante Marcoleta, Atty. Jimmy Bondoc, Atty. Vic Rodriguez, at Pastor Apollo Quiboloy.
Bilang chairperson ng Senate committee on health and demography, binigyang-diin ni Go ang kanyang tuluy-tuloy na hakbang upang matiyak ang accessible na pangangalagang pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino.
Higit sa kalusugan, binigyang-diin din ni Go, vice chairperson ng Senate committee on finance, ang kanyang suporta sa iba’t ibang proyektong pangkaunlaran sa Bataan sa kanyang termino bilang senador.
- Latest