Pangulong Marcos pinalagan si Imee

MANILA, Philippines — Pinalagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pahayag ng kanyang kapatid na si Senador Imee Marcos na may effort para pabagsakin ang mga Duterte.
Ito ang tugon ng Pangulo sa isang ambush interview sa Silang Cavite, matapos ang graduation rites sa Philippine National Police Academy (PNPA).
Nauna nang sinabi ni Senador Imee na kabilang sa finding ng Senate foreign relations committee na kanyang pinamumunuan na ang pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte ay bahagi ng whole of government effort para pabagsakin ang mga Duterte.
‘’Everyone’s entitled to their opinion, I disagree,’’ sagot naman ni Pangulong Marcos.
Nauna na rin sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na hindi na nakakagulat ang pahayag ng senador na siyang nanguna sa imbestigasyon kaugnay sa pag-aresto sa dating pangulo.
Nanindigan naman si Imee na ang pag-aresto sa dating presidente ay illegal.
- Latest