^

Bansa

Giit sa Kamara: Wage hike bill ipasa bago mag-adjourn 19th Congress

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Sen. Joel Villanueva ang Kamara na ipasa ang legislated wage hike bill bago tulu­yang matapos ang 19th Congress.

Ginawa ni Villanueva ang pahayag dalawang araw bago ang pagdiriwang ng Labor Day sa Mayo 1.

Ipinaalala ni Villanueva, chairman ng Senate committee on labor, employment and human resources development na mahigit na isang taon na ang nakalipas mula nang ipasa ng Senado ang Senate Bill 2534, na nagmumungkahi ng P100 dagdag sa daily minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor.

Ang counterpart measure nito ay nananatiling nakabinbin sa House.

Patuloy aniyang tumataas ang presyo ng mga bilihin at mas mabilis yung taas ng bilihin kaysa sa pagtaas ng sahod ng mga manggagawa.

Sa Kamara ay naipasa na ng committee on labor and employment ang panukalang batas na nag-uutos ng P200 across-the-board increase para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.

Kapag naipasa na sa ikatlo at huling pagbasa, maaaring magpulong ang Kamara at ang Senado sa isang bicameral conference para pagtugmain ang kanilang mga pagkakaiba sa isinabatas na wage bill.

WAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with