^

Bansa

Incumbent, baguhang partylist naghahanda sa unang puwesto

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umiinit ang laban sa nalalapit na halalan para sa 2025 party-list elections sa gitna ng pag-usbong ng mga bagong grupo at pananatili ng mga matagal nang kilala, ayon sa pinakabagong pre-election prefe­rential survey ng Tangere.

Sa 44 party-list na ­inaasahang makakapasok sa House of Representatives, halos kalahati ay mga bagong pangalan.

Nangunguna sa mga ito ang FPJ Panday Bayanihan (FPJPB) na nasa ika-6 na puwesto na may 3.83% ng boto habang lumalakas din ang Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) – ika-10 puwesto, 2.50%; United Senior Citizens Party­list – ika-12 puwesto, 2.25%; Tulfo para sa Turismo (Turismo) – ika-18 puwesto, 1.75%; Abante Bisdak – ika-19 puwesto, 1.71% at Angkasangga – ika-20 puwesto, 1.52%

Samantala, nangu­nguna sa buong listahan ang limang party-list na inaasahang magkakaroon ng tig-dalawang kinatawan sa Kamara. Nangunguna ang Tingog, na malakas ang suporta sa Visayas, 5.75%. Kasunod ang Ako Bicol, na may malakas na base sa Albay at Camarines Sur, 5.50%. 

Kabilang din sa mga posibleng makakuha ng dalawang puwesto ang 4Ps, 5.00%; ACT-CIS, 4.83%; Duterte Youth, 4.75%; Agimat, 3.71%; Alona, 2.92%; 1Pacman, 2.83%.

Isinagawa ang survey noong Abril 22-26, 2025 gamit ang mobile-based respondent application na nilahukan ng 2,400 katao na kumakatawan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

HOUSE OF REPRESENTATIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with