^

Bansa

Pangulong Marcos pinuri ni Sen. Revilla sa pagtupad sa pangakong P20/kilo ng bigas

Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos pinuri ni Sen. Revilla sa pagtupad sa pangakong P20/kilo ng bigas

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senador Ramon 'Bong' Revilla Jr. si Pangulong Marcos Jr. sa pagtupad sa kanyang pangako sa kampanya na ibaba ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo, habang nangangampanya sa San Fernando, La Union noong Sabado.

 Ipinahayag ni Revilla ang kanyang mensahe kasunod ng pahayag ng Department of Agriculture (DA) na ibebenta ang bigas sa halagang P20 kada kilo simula Mayo 1 sa Visayas. Sa isang Facebook post, sinabi ni Pres. Marcos na ang P20 piso kada kilo ng bigas ay batay sa kanyang pangako sa kampanya noong 2022 elections.

"At ngayon, nagsisimula na tayong gawin ito sa Visayas region," sabi ni Marcos. Ang pilot launch ng pagbebenta ng P20 kada kilo sa Visayas ay bunga ng pagpupulong ni Marcos sa 12 gobernador sa rehiyon.

Sa ilalim ng programa, ang mga indigent na Pilipino ay karapat-dapat na bumili ng P20 kada kilo na bigas. Sinabi naman ni Revilla na ang pagsisimula ng pagpapatupad ng price cut sa bigas ay makakatulong sa maraming Pilipino, lalo na sa mga lugar na may kahirapan.

"Magandang simula ang P20 kada kilo ng bigas na ipapatupad ng pamahalaan sa susunod na buwan ng Mayo sa rehiyon ng Visayas. At inaasahan natin ang agaran din nitong pagpapatupad sa buong bansa.

Bahagi ito ng katuparan ng pangako ng Pangulong Marcos at aspirasyon natin para sa abot-kamay at sapat na pagkain sa bawat hapag," ani Revilla.

RAMON 'BONG' REVILLA JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with