SWS: 75 porsyentong Pinoy iboboto kandidato na ilalaban West Philippine Sea

MANILA, Philippines — Nasa 75% ng mga Pinoy ang nagsabing iboboto nila ang mga kandidato na naniniwalang dapat na igiit ng Pilipinas ang karapatan nito sa West Philippine Sea (WPS).
Sa April survey na idinaos ng Social Weather Stations (SWS) at kinomisyon ng Stratbase Group, nabatid na ang naturang bilang ay pagbaba ng tatlong puntos mula sa 78% na naitala sa survey na idinaos noong Pebrero.
Samantala, ang bilang naman ng mga Pinoy na taliwas dito ang iniisip ay tumaas ng tatlong porsiyento o mula 22% noong Pebrero, ay naging 25% ngayong Abril.
Karamihan sa mga Pinoy na nais iboto ang mga kandidato na hindi naniniwalang dapat igiit ng Pilipinas ang karapatan nito laban sa agresyon ng China ay mula sa Class E na nasa 41%, ABC na nasa 28%, at D na nasa 24%.
Nilahukan ito ng 1,800 respondents, na pawang kinapanayam, at idinaos mula Abril 11 hanggang 14, 2025.
- Latest