Kamara, pinakamataas rating sa sangay ng gobyerno – Tangere
MANILA, Philippines — Ang House of Representatives, sa pamumuno ni Speaker Martin Romualdez, ang pinakamataas ang performance sa mga sangay ng gobyerno sa bansa, base sa bagong survey ng Tangere.
Binigyan ng mga respondents ang Kongreso ng satisfaction rating na 55.5% ito’y dahil sa buong suporta ng House sa pag-secure ng pondo para sa AKAP sa pambansang budget.
Samantala, ang Senado, na kabilang din sa bicameral na lehislatura, ay nakakuha ng 44.74% satisfaction. Ang mga panloob na isyu sa Senado, kabilang na ang usapin ng midterm elections sa pagitan nina Senate President Chiz Escudero at incumbent na si Imee Marcos, ang nakitang dahilan kung bakit mas mababa ang satisfaction ng Senado kumpara sa Kamara.
Sumunod ang Office of the President at ang Gabinete na nakakuha ng satisfaction na 49.41%.
Sa individual rating ng mga miyembro ng Gabinete, nangunguna sina DSWD Secretary Rex Gatchalian (59%), DepEd Secretary Sonny Angara (58%), at DOTr Secretary Vince Dizon (57%).
Ang Office of the Vice President sa pamumuno ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte, na kasalukuyang humaharap sa impeachment trial sa Senado, ang may pinakamababang satisfaction (43.50%) sa hanay ng Sangay ng Ehekutibo.
Bagaman may pinakamababang awareness rating, nakakuha pa rin ang Korte Suprema, sa pamumuno ni Chief Justice Alexander Gesmundo, 45.5% at ang Comelec, sa pamumuno ni Chairman George Garcia, ang nakakuha ng pinakamataas na rating na 51.5%.
- Latest