^

Bansa

Mayor Abby sa mga botante: Suportahan buong Alyansa

Pilipino Star Ngayon
Mayor Abby sa mga botante: Suportahan buong Alyansa
Sa isang press conference sa Dagupan noong Biyernes, sinabi ni Binay na hindi sapat na isa lang ang manalo, kailangan aniya ang buong Alyansa team sa Senado para maisulong nila ang tunay na reporma at maipatupad ang ipinangako nilang mga programa.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nanawagan si senatorial candidate at Makati City Mayor Abby Binay sa mga Pilipino na suportahan ang buong slate ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa halalan sa susunod na buwan.

Sa isang press conference sa Dagupan noong Biyernes, sinabi ni Binay na hindi sapat na isa lang ang manalo, kailangan aniya ang buong Alyansa team sa Senado para maisulong nila ang tunay na reporma at maipatupad ang ipinangako nilang mga programa.

Aniya, kahit manalo siya kung ang mga kasama niya sa Senado ay hindi kapareho ng kanyang adbokasiya, hindi rin niya magagawa ang kanyang mga ipinaglalaban.

Dagdag niya, hindi puwede na solo-solo at kailangan ding aniyang ikampanya ang kanilang mga kasamahan upang maipatupad nila nang sama-sama ang nagkakaisa nilang plano para sa bayan at mga mamamayan. Kasama ni Binay sa Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas sina Benhur Abalos, Pia Cayetano, Ping Lacson, Lito Lapid, Manny Pacquiao, Bong Revilla, Tito Sotto, Francis Tolentino, Erwin Tulfo, at Camille Villar.

ABBY BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with