^

Bansa

Manny Pacquiao at Isko Moreno, nagsanib-puwersa sa kampanya

Pilipino Star Ngayon
Manny Pacquiao at Isko Moreno, nagsanib-puwersa sa kampanya
Ipinahayag ni Moreno, na tumakbo bilang pangulo noong 2022, ang kanyang buong suporta sa pagbabalik ni Pacquiao sa Senado.
STAR/File

BASECO, MAYNILA, Philippines — Nagsanib-puwersa si senatorial candidate Manny Pacquiao, na kilala bilang "Anak ng Mahirap," at si dating Manila Mayor Isko Moreno, ang "Batang Maynila," sa kampanya sa Baseco at Sta Ana, Manila.

Ipinahayag ni Moreno, na tumakbo bilang pangulo noong 2022, ang kanyang buong suporta sa pagbabalik ni Pacquiao sa Senado.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na isang dating kalaban sa pagkapangulo ang nagbigay ng suporta kay Pacquiao, na nagpapakita nang lumalakas nitong puwersa bilang kandidato sa ilalim ng administrasyon.

Si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., din ang pumili kay Pacquiao na isama sa senatorial slate ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas. Pinuri ni Moreno ang kwento ng buhay ni Pacquiao bilang inspirasyon para sa milyun-milyong Pilipino na nagsusumikap makaalpas sa kahirapan.

"Pareho kaming galing sa hirap. Hindi nakakalimot si Manny sa kanyang pinanggalingan, kaya karapat-dapat siyang bumalik sa Senado," ani Moreno.

Nagpasalamat naman si Pacquiao sa pag-endorso ni Moreno, at nangakong isusulong ang mga batas na magpapataas sa antas ng pamumuhay ng mahihirap at titiyak na walang Pilipinong maiiwan.

"Ang laban ng mahirap ay laban nating lahat. Maraming salamat sa tiwala, Mayor Isko. Sama-sama tayong magtutulungan para sa bagong pag-asa ng bayan," pahayag ni Pacquiao.

Dinaluhan ng libu-libong tagasuporta ang kampanya nina Pacquiao at Moreno sa Maynila, na nagsilbing simbolo rin ng pagkakasundo at sama-samang hangarin para sa pambansang pag-unlad sa kabila ng kanilang dating pagiging magkaribal sa politika.

Naniniwala si Pacquiao na ang paglakas ng suporta sa kaniya ay hindi lamang para sa puwesto sa Senado, kundi sa layuning buklurin ang mamamayan sa pangarap niyang pag-unlad, katarungang panlipunan, at pamahalaang may malasakit.

"Hindi pwedeng iwanan ang mahihirap sa biyahe ng pag-unlad. Doon tayo kasama ng mga naniniwala sa atin. Kung magkaisa tayo, kaya nating itaguyod ang isang gobyernong tunay na para sa masa, makatao, makatarungan, at makabansa," dagdag ni Pacquiao.

ISKO MORENO

MANNY PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with