^

Bansa

Free legal assistance sa sundalo, pulis batas na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Free legal assistance sa sundalo, pulis batas na
Members of the Manila Police District (MPD) prepare for deployment at their headquarters in Ermita, Manila on January 3, 2025.
STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Maaari nang makatanggap ng libreng tulong legal ang mga military uniformed personnel o MUP na nahaharap sa mga kasong may kinalaman sa pagtugon sa kanilang tungkulin.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang enrolled bill ng  Republic Act 1277.

Sa ilalim ng nasabing batas, libre ang legal assistance ng mga isinampang kasong sibil, criminal at administratibo.

Kabilang sa mga makikinabang ang mga opisyal at enlisted personnel mula sa AFP, BFP, BJMP, PNP, PCG, BuCor at Hydrography Branch ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA).

Nakasaad na kailangang sa loob ng 24-oras matapos masampahan ng kaso ang MUP ay agad na kikilos ang mga legal officer upang alalayan ang mga kuwalipikadong MUP sa kanilang kaso.

Kabilang sa tulong na maibibigay ay legal na representasyon; payo o konsultasyon; paghahanda sa mga pleading, motion at lahat ng uri ng legal na dokumentasyon; court fee at iba pang bayarin; at notaryo ng mga dokumento.

Magiging epektibo ang batas 15 araw matapos na mailabas sa mga pangunahing pahayagan o sa Official Gazette.

ASSISTANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with