^

Bansa

‘Ayuda ban’ ikinasa ng Comelec

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
‘Ayuda ban’ ikinasa ng Comelec
Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na simula Mayo 2  hanggang Mayo 12 o araw ng botohan, bawal ang lahat ng klase ng ayuda.
STAR / Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Nagpalabas ng ­paalala ang Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado na ipatutupad ang “ayuda ban” sa loob ng 10 araw na aabot hanggang sa eleksyon sa Mayo 12.

Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na simula Mayo 2  hanggang Mayo 12 o araw ng botohan, bawal ang lahat ng klase ng ayuda.

Ang ayuda na pinatitigil na ibinibigay ng gobyerno ay kinabibilangan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), Tulong Panghanapbuhay sa ­Ating Disadvantaged/Displaced Workers ­(TUPAD), 4Ps, at ang Ayuda para sa ­Kapos ang Kita ­Program (AKAP).

“Hindi na ‘yan ­exempted… Bawal na itong ipamahagi, maliban na lang sa medical and burial assistance... ‘Yan lang ang exempted sa May 2 to 12,” paliwanag ni Garcia.

Binawi na ng Comelec ang naunang ­exemptions sa ­spending ban na maari pang ­ipamigay ang ayuda.

Sinabi niya na mahaharap sa kaso ang magbibigay o magpapatupad ng mga ayuda sa nasabing mga araw.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, maaring makulong ng hindi bababa sa isang taon at hindi lalampas ng 6 na taon, bukod sa iba pang mga parusang itinakda ng batas.

Una nang ­na-exempt ng Comelec ang P20 kada kilo na Rice Project ng Department of Agriculture (DA) sa 45-araw na election spending ban bago ang botohan sa Mayo 12.

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with