^

Bansa

Dagdag benepisyo sa barangay officials, isusulong

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nangako si senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. na isusulong ang isang panukalang batas na magbibigay ng karagdagang benepisyo para sa mga opisyal ng barangay, kabilang ang mga tanod at iba pang manggagawa sa barangay, lalo na kung sila ay masugatan o magbuwis ng buhay habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Ibinigay ni Abalos ang pahayag matapos masaksak hanggang sa mamatay ang isang kagawad ng barangay habang namamagitan sa isang gulo sa New Lucena, Iloilo.

Ayon kay Abalos, hindi ito ang unang pagkakataon na may nasasaktan o nasasawi sa hanay ng mga opisyal ng barangay at tanod habang gina­gampanan ang kanilang tungkulin sa pagpapanatili ng kaayusan at pagtugon sa mga sakuna.

Kabilang sa mga ­karagdagang benepisyong nais isulong ni Abalos ay ang pagkakaroon ng sapat na pondo at agarang paglalabas nito sa mga pagkakataong may medical emergency, pati na rin ang isang insurance system para sa mga opisyal at manggagawa ng barangay.

Bagama’t may ilang lokal na pamahalaan ang nagbibigay ng benepisyo sa mga opisyal ng barangay at mga manggagawa, sinabi ni Abalos na karamihan sa mga LGU ay hindi ito kayang gawin dahil sa kakulangan sa pondo.

BARANGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with