Bong Go, Top 1 sa Tangere Survey
MANILA, Philippines — Nag-iisang nangunguna sa pinakabagong 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey na isinagawa ng Tangere, si Senador Bong Go na nakakuha ng 59.3% voter preference.
Si Bong Go ay nasa Top 3 ng lahat ng 17 rehiyon sa bansa pagdating sa pagpili ng mga botante.
Malayo ang agwat ng pumapangalawa, si ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo, na may 55.1%, na pinalakas ng suporta mula sa mga botante sa Hilaga at Gitnang Luzon.
Nasa ikatlong puwesto at statistically tie sina Sen. Bato Dela Rosa, Media Executive Ben ‘Bitag’ Tulfo, at Sen. Bong Revilla. Mas tinangkilik si Ben ‘Bitag’ Tulfo ng mga millennial at Gen Z voters kumpara sa kanyang kapatid, na mas pinaboran naman ng mga mas matatandang respondente.
Nakapagtala si dela Rosa ng malaking pag-angat sa survey, na tumaas ng higit sa 10%, dulot ng malakas na suporta mula sa Visayas at Mindanao.
Kabilang din sa top 12 sina dating senador Tito Sotto, Senadora Pia Cayetano, dating DILG Secretary Benhur Abalos, Sen. Lito Lapid, dating senador Panfilo Lacson dating senador Manny Pacquiao at Sen. Francis Tolentino.
- Latest