Fake news sa P20/kilo ng bigas, kumakalat

MANILA, Philippines — Binalaan ng Malakanyang ang publiko na mag-ingat sa mga kumakalat na fake news tungkol sa P20 kada kilo ng bigas sa merkado.
Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na mayroong kumakalat na vlog o post kung saan ipinapakita ang isang bigas na may tag price na P20 at isang tao na nagsasalita na ang ibig sabihin ay “Nguyain ninyo, inyo na iyan”.
Paglilinaw ni Castro, hindi pa ibinebenta sa merkado ang P20 kada kilo na bigas dahil wala pang guidelines na inilalabas ang Department of Agriculture (DA) at ang papayagan lang na magbenta nito ay ang mga authorized dealer.
“Mag-ingat po tayo sa fake news peddlers, sinisira ang proyekto, sinisira ang Pangulo, sinisira ang hope, ang pag-asa ng bawat Pilipino,” babala pa ni Castro.
Patunay lang aniya ang nasabing vlog na totoong mayroong mga bayarang key board warriors para siraan ang pamahalaan at pinipintasan ang bigas na ibinebenta na para sa hayop.
Paglilinaw pa niya na ang ibebentang P20 kada kilo ng bigas ay P33 kada kilo ang orihinal na presyo.
- Latest