VP Sara, muling nagpahiwatig ng pagtakbo sa 2028

MANILA, Philippines — Muling nagpahiwatig si Vice President Sara Duterte sa kanyang posibleng pagtakbo sa 2028 presidential elections.
Sa campaign rally ni Manila mayoral candidate Isko Moreno kamakalawa ng gabi, tinanggal ni VP Sara ang selyo ng Office of the Vice President (OVP) mula sa lectern, at sinabing papalitan niya ito ng selyo ng Office of the President.
Umani naman ng palakpakan at hiyawan mula sa mga tao ang naturang pahayag ng bise presidente.
“Tinanggal ko lang kasi iba kasi ‘yung opisina, iba rin ‘yung pangangampanya. Pero kung sa pangulo lang, pumili na lang kayo—si Isko Moreno o si Sara Duterte, wala kaming problema,” ayon pa kay VP Sara.
Matatandaang noong Enero, una na ring sinabi ni VP Sara na seryoso niyang ikinukonsidera ang pagtakbo sa 2028 presidential elections.
Malaunan naman, nilinaw niyang hindi pa siya sigurado sa ngayon kung kakandidato sa pagka-pangulo.
- Latest