TRABAHO Partylist nakamit top 16 sa SWS Survey
MANILA, Philippines — “Sweet 16” ang nakamit na pwesto ng 106 TRABAHO Partylist sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) para sa Abril 2025.
Ang kasalukuyang ranggo ng 106 TRABAHO ang pinakamataas rin umano nitong placement sa lahat ng buwanang survey na inilabas ng SWS magmula pa noong Disyembre 2024.
Ang patuloy na pag-angat ng grupo ay sang-ayon din sa isa pang survey na inilabas ng SWS kung saan mas napupusuan ng mga Pilipinong botante ang mga kandidatong nagsusulong ng job creation at proteksyon ng karapatan ng mga manggagawa gaya ng TRABAHO.
Kung ikokonsidera ang statistical tie sa SWS survey, ang range placement ng grupo para sa Abril 2025 ay 16-18 na pwesto- isang malaking pagtalon mula sa 31-39 noong Marso 2025.
Una sa legislative agenda ng grupo ang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino, sa pamamagitan ng mga panukalang batas para sa makatarungang sahod, dagdag na benepisyo, seguridad sa trabaho, at inklusibong mga patakaran.
- Latest