Bong Go lalong tumibay, No. 1 sa Arkipelago Analytics poll

MANILA, Philippines — Patibay nang patibay si Senator Christopher “Bong” Go sa kanyang pangunguna sa pre-election survey, ilang linggo na lang bago ang 2025 midterm polls.
Sa pinakahuling senatorial preference survey na isinagawa ng Arkipelago Analytics mula Abril 7 hanggang 12, nakakuha si Senator Go ng pinakamataas na 64% voter preference, na naglagay sa kanya sa Rank 1 ng senatorial contenders.
Ang resulta ay kagaya rin ng iba’t ibang independiyenteng survey sa nakalipas na ilang buwan, nagpapahiwatig ng malalim na pagtitiwala at malakas na suporta ng publiko sa mga adbokasiya ni Senator Go, partikular sa kalusugan, kabataan, palakasan, katatagan sa kalamidad, at pagbibigay ng serbisyo sa grassroots.
Sa Pulse Asia survey noong Marso, nanguna rin si Go sa 61.9 porsiyento.
Sa Social Weather Stations (SWS) na kinomisyon ng Stratbase mula Abril 11-15, muli siyang nanguna sa naitalang 45%.
Siya rin ang namayagpag at patuloy sa pagtaas sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research noong Marso sa 64%.
- Latest