^

Bansa

Pacquiao umani ng suporta sa Cavite

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Umani ng suporta ang pag-iikot ni dating senador Manny Pacquiao sa bayan ng Dasmariñas City sa Cavite na nagdala ng street-level energy sa mga Caviteño sa pangakong isusulong ang karapatan at kinabukasan ng bawat Pilipino lalo na ang mga nasa laylayan.

Kasama ni Pacquiao sa motorcade ang mga kapwa Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas bets na sina Sen. Bong Revilla at Erwin Tulfo. Muling ipinagmalaki ni boxing legend-turned-lawmaker na si Pacquiao ang ‘humble beginnings’ at ang kaniyang matagal nang adbokasiya para sa mga mahihirap. “Kaya ako bumabalik sa Senado para ipaglaban ang mga karapatan at kinabukasan ng bawat Pilipino, lalong-lalo na ang mga nasa laylayan na dati kong kinalalagyan,” saad ni Pacquiao. Mainit namang tinanggap ni Revilla, isang Caviteño political heavyweight, si Pacquiao sa kanilang lalawigan at nagagalak ito sa kaniyang pagbabalik sa national politics. Nanatiling pangunahing battleground ang Dasmariñas City lalo na’t may 2.3 milyong rehistradong botante ang Cavite. “Bilog ang mundo sa pulitika, pero ang prinsipyo ko diretso lagi ang taumbayan muna,” sabi ni Pacquiao.

MANNY PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with