Drones, espionage ‘tip of the iceberg’ ng pag-atake ng Tsina

MANILA, Philippines — Bahagi umano ng isang “determinado, tuluy-tuloy, at malaganap na pag-atake” ng People’s Republic of China (PRC) sa mga Pilipino at mga institusyon ng Pilipinas ang nakaraang pagkakarekober sa submersible drone at pagkakabuking sa espionage activities sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ganito ang naging konklusyon ni Majority Leader Francis ‘ToL’ Tolentino na namuno sa Senate inquiry na dinaluhan ng mga opisyal ng Philippine Navy, Philippine National Police, at iba pang law enforcement and security agencies.
“We are facing a wave of Chinese espionage that is nothing like we have experienced in our nation’s history. This is not an isolated event. Again I repeat the words coming from a resource person, that this is just the ‘tip of the iceberg,’” sabi ng senador.
Sa pagtatanong ni Tolentino hinggil sa natuklasan ng kanilang forensic examination sa dalawang drone na narekober sa San Pascual, Masbate noong Disyembre 2024, at sa Sabtang, Batanes noong Pebrero, sinabi ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad ng Phl Navy na ang mga drone ay may kakayahang mangalap ng kritikal na impormasyon sa ilalim ng karagatan at mga katangian ng bansa.
Iniugnay ni Tolentino ang narekober na drone sa serye ng espionage activities sa Makati, Palawan, at Zambales subalit nabigo ang mga operatiba ng PNP at National Bureau of Investigation (NBI) matapos maalerto ng mga lokal na residente.
- Latest