2 barko ng China naispatan sa Northern Luzon

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Philippine Navy (PN) na na-detect nito ang presensiya ng dalawang barko ng China People’s Liberation Army Navy (PLAN) sa northern coast ng Luzon noong Abril 22.
Sinabi ng PN na naispatan ang dalawang barko sa tulong ng kanilang “intelligence, surveillance, and reconnaissance capabilities.”
“At approximately 9:36 a.m., the aircraft carrier Shandong (CV-17) was detected underway about 2.23 nautical miles southwest of Babuyan Island, well within the Philippines’ archipelagic waters,” anang PN.
Ang Shandong na inilarawan bilang, “short take off, barrier arrested recovery” (STOBAR) aircraft carrier ay nasa 60,000 tonelada at may top speed na 31 knots. May sukat itong 305 metro at beam na 75 metro at may kakayahang magdala ng 30 aircraft.
Samantala, alas-11:47 ng umaga naman ng kaparehong araw, nang mamonitor rin ang isang Type 815A Chinese electronic surveillance ship (AGI-797) sa Pagudpud, Ilocos Norte.
- Latest