Bersamin, Remulla, Estrella ‘caretaker’ habang nasa Vatican si Pangulong Marcos
MANILA, Philippines — Nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng caretaker ng bansa habang nasa Vatican City siya.
Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin, na siya, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang magsisilbing caretakers.
Kagabi ay tumulak patungong Vatican City ang Pangulo kasama si First Lady Louise Araneta-Marcos para sa funeral ni Pope Francis sa Abril 26 na gagawin sa alas-10 ng umaga doon sa St. Peter’s Square.
Inaasahan na dadalo rin sa libing ni Pope Francis ang ibat ibang world leaders.
Matatandaang pumanaw ang Santo Papa sa edad na 88 matapos dumanas ng stroke at ma-comatose.
- Latest