^

Bansa

Tahanan sa Pamilyang Kapampangan, Pacman Village dadalhin sa Pampanga

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Tahanan sa Pamilyang Kapampangan, Pacman Village dadalhin sa Pampanga
Ang Pampanga na may 91,000 units na housing backlog sa 6.5 million housing backlog sa bansa upang ihanay sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang mapabilis ang paghahatid ng ligtas at disenteng tahanan para sa mga pamilyang Pilipino.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nangako si boxing icon para sa kaniyang passion sa nation-building na dadalhin ang tulad ng proyektong Pacman Village sa labas ng Saranggani at General Santos City patungo sa Pampanga, tulad ng kaniyang itinayo na libreng pabahay sa Mindanao.

Ang Pampanga na may 91,000 units na housing backlog sa 6.5 million housing backlog sa bansa upang ihanay sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang mapabilis ang paghahatid ng ligtas at disenteng tahanan para sa mga pamilyang Pilipino.

Sa mahigit 18,000 bagong unit na itinatayo sa San Fernando, Candaba, at Minalin, nangako si Pacquiao na tutulong na itulak pa ang pagtarget sa mga manggagawa, OFW, unipormadong tauhan, at mga kapus-palad na Pilipino.

"Hindi pwedeng walang tahanan ang pamilyang Pilipino. Kung kaya nating magtayo ng tahanan para sa libo-libo sa Mindanao, kaya rin nating gawin ito sa buong Pilipinas. Magsisimula tayo dito sa Pampanga," ani Pacquiao.

Nais niya na ang Pacman Village-Pampanga ay maging isang modelo ng compassionate, at inclusive na pabahay, na nagtatampok hindi lamang ng mga tirahan kundi pati na rin ng mga sentro ng komunidad, pag-access sa trabaho, at sports facilities na mag-aangat sa buhay at pangarap ng mga mahihirap.

Binigyang-diin niya ang diwa ng bayanihan, tulad ng vision ni Pang. Marcos Jr: “Kailangan natin ng tulungan—gobyerno, pribadong sektor, at mamamayan—para makamit ang layunin: bawat pamilya, may tahanan.”

Aniya, ang pag-unlad ay hindi dapat puro sa Metro Manila, kundi ikalat sa mga rehiyon at na kanayunan gaya ng Pampanga na may mayamang kultura, matatag na ekonomiya at sentro ng lokasyon, na natural na gateway ng hilaga at timog na kumokonekta sa northern at southern Luzon.

PACMAN VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with