VP Sara, kumpiyansang maipapanalo impeachment case

MANILA, Philippines — Mas kumpiyansa na ngayon ang mga miyembro ng legal team ni Vice President Sara Duterte na maipapanalo nila ang kinakaharap niyang impeachment complaint sa Senado.
Kinumpirma ni VP Sara na nagpulong sila ng kanyang mga abogado noong panahong siya ay nasa The Netherlands upang dalawin ang kanyang amang si dating Pang. Rodrigo Duterte, hinggil sa napipintong impeachment trial.
Gayunman, hindi nagbigay ng detalye ang Bise Presidente sa ginagawang paghahanda ng kanyang mga abogado.
“Ang aking impeachment, sinasabi ng mga lawyers, they are more than confident na mananalo sila sa impeachment. Ako naman, I am most confident with the lawyers working on my impeachment case,” pahayag ni Duterte, sa isang ambush interview.
Kasalukuyang nasa Cebu si VP Sara upang magpasalamat sa kanyang mga tagasuporta.
- Latest