Pope Francis, simpleng libingan ang gusto

MANILA, Philippines — Simpleng libingan ang huling habilin ni Pope Francis sa kanyang pagpanaw.
Sa last will and testament na isinulat ng Santo Papa noong Hunyo 29, 2022, hiniling nito na nais niyang nasa lupa ang kanyang puntod, simple lamang at walang anumang dekorasyon.
Nais rin umano niyang tanging ‘Franciscus’ lamang ang nakasulat.
“The tomb should be in the ground; simple, without particular ornamentation, bearing only the inscription: Franciscus,” bahagi ng huling habilin ng Santo Papa na inilabas ng Vatican sa pagpanaw niya nitong Lunes, Abril 21.
“As I sense the approaching twilight of my earthly life, and with firm hope in eternal life, I wish to set out my final wishes solely regarding the place of my burial,” aniya pa.
Dagdag niya, “I have always entrusted my life and priestly and episcopal ministry to the Mother of Our Lord, Mary Most Holy. Therefore, I ask that my mortal remains rest, awaiting the day of resurrection, in the Papal Basilica of Saint Mary Major.”
“May the Lord grant the deserved reward to those who have wished me well and will continue to pray for me. The suffering that marked the final part of my life, I offer to the Lord, for peace in the world and brotherhood among peoples,” anang Santo Papa.
Matatandaang una nang kinumpirma ng Vatican ang pagpanaw ni Pope Francis sa edad na 88 sa kaniyang tahanan sa Casta Santa Marta, noong umaga ng Easter Monday.
Anang Vatican, stroke at heart failure ang naging sanhi ng pagpanaw ng Santo Papa.
Inaasahan namang sa mga susunod na araw ay magsasama-sama na sa isang conclave ang mga Cardinal upang pumili ng magiging susunod na Santo Papa.
Nakatakdang ilibing si Pope Francis sa Basilica of St. Mary Major sa Sabado, Abril 26.
Isasagawa ang funeral service sa St. Peter’s Square, sa ganap na alas-10 ng umaga, oras sa Vatican.
Inaasahang sasaksihan ito ng mga lider sa buong mundo.
- Latest