PRP President, umapela ng nationwide support sa Senate bid ni Rodante Marcoleta

MANILA, Philippines — Umaapela si People’s Reform Party (PRP) President Narciso Santiago Jr. sa lahat ng kandidato at miyembro ng PRP ng suporta para sa senatorial candidacy ni Rodante Marcoleta sa 2025 midterm elections.
Ayon kay Santiago, si Marcoleta, na kamakailan lamang ay in-adopt ng partido upang maging opisyal nilang senatorial bet, ay kakikitaan ng reform-driven principles ng yumaong si dating Senator Miriam Defensor Santiago.
“Cong. Marcoleta stands for good governance and real change—values at the core of our party,” aniya.
Kaugnay nito, hinikayat niya ang lahat ng kaalyado ng PRP na aktibong ipangampanya si Marcoleta.
Binigyang-diin pa niya na ang isang ‘united front’ ay susi sa pagpapatuloy ng legasiya ng partido sa national politics.
Sa kanyang panig, pinasalamatan naman ni Marcoleta ang PRP para sa suporta nito.
Nangako rin siya na dadalhin ang boses ng mga ordinarying Pilipino sa Senado.
- Latest