^

Bansa

Special envoy Lacanilao kinalaboso sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa kustodiya na ng Senado si Special Envoy on Transnatio­nal Crime Ambassador Markus Lacanilao na kusang nagtungo sa gusali ng Senado ka­makalawa, Abril 21 base sa kautusan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero.

Sinabi ng tanggapan ni Escudero na ang kopya ng kautusan ay ipinadala sa Office of the Special Envoy for Transnational Crime alas-tres ng hapon noong Lunes, pagkatapos nito, ang kanyang legal counsel ay agad na tumungo sa Office of the Senate Secretary upang kumpirmahin ang nasabing kautusan.

“Ambassador Lacanilao voluntarily presented himself before the Senate to personally receive and comply with the order,” ayon sa statement.

Anya, dumaan sa standard procedure at sinuri ng Medical and Dental Bureau si Lacanilao na mananatili sa kustodiya ng Senado sa loob ng hindi hihigit sa dalawang araw.

Magugunita na pinatawan si Lacanilao ng contempt ng Senate panel on foreign relations noong Abril 10 dahil sa umano’y pagsisinu­ngaling.

Pinayuhan din si Lacanilao na humarap sa mga susunod na pagdinig ng komite at magbigay ng totoong sagot.

Iginiit naman ni Sen. Imee Marcos, chair ng Senate committee on foreign relations na nag-imbestiga sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ay nakulong kaagad si Lacanilao na binigyan pa ng 11 araw bago tuluyang ­iniutos na makulong.

Kinuwestiyon din ni Marcos kung bakit dalawang araw lamang ikukulong si Lacanilao.

MARKUS LACANILAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with