Batas sa agarang pagpapalibing sa mga labi ng Muslim pirmado na
MANILA, Philippines — Ganap nang batas ang panukala na agarang paglilibing sa namatay na Muslim.
Ang Republic Acrt 12160 ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong April 11, 2025, kung saan nakasaad na polisiya ng estado na kilalanin at bigyang respeto ang karapatan ng Filipino-Muslim na agad ilibing ang mga namatay na mahal sa buhay bago ang susunod na tawag ng pagdarasal alinsunod sa kanilang religious customs at paniniwala.
Nakasaad pa sa batas na dapat mailibing agad ang namatay na Muslim kung meron o wala pang death certificate basta ire-report ng taong nagsagawa ng burial rites o ng sinumang kaanak ng namatay sa loob ng 14 na araw sa local health officer na gagawa ng death certificate at magsesertipika ng dahilan ng pagkamatay nito.
Kapag walang authorize health officer, kailangan itong i-report sa office of the mayor para siya ang gumawa ng mga kailangang dokumento at kung walang forensic interest sa namatay.
Kailangan din maipasa ang death certificate sa local city registrar sa loob ng 30-araw mula ng maipalabas ito para maiparehistro.
Ang namatay na muslim ay dapat mailabas sa loob ng 24 oras ng ospital, medical clinic, funeral parlor, morgue, custudial at prison facility o iba pang katulad na pasilidad o mula sa taong may kostudiya nito.
Kailangan din ibalot ang bangkay ng puting tela at mailagay sa isang airtight at leak proof na cadaver bag o kabaong.
May parusang pagkakulong ng hanggang anim na buwan o multang P50,000 hanggang P100,000 ang sinomang pipigil sa pagpapalibing sa isang Muslim dahil sa kadahilanang hindi makabayad sa hospital bills.
- Latest