^

Bansa

Tol, naghain ng panukala para pagyamanin Talampas ng Pilipinas

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Para ituloy ang tagumpay ng bansa matapos pormal na kilalanin ng International Seabed Authority (ISA) ang “Talampas ng Pilipinas” noong isang buwan, naghain ng panukala si Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino para tutukan ang pagpapaunlad sa naturang teritoryo para pakinabangan ng bansa.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 2996, target ni Tolentino ang pagbubuo ng Talampas ng Pilipinas Development Authority, o TPDA.

Ang ahensya ay bubuuin ng iba’t ibang departamento at sektor para mahusay na malinang ng bansa ang “Talampas,” na binubuo ng 13.5 milyong ektarya ng undersea mass sa hilagang-silangang karagatan ng Luzon.

Ayon kay Tolentino, ang “Talampas” ay “simbolo kapwa ng kasarinlan at natata­nging yaman ng Pilipinas.”

“Nakapaloob sa Talampas ang poten­syal para pagyamanin ang ating mga rekurso sa enerhiya, marine biodiversity, at ecotourism,” ipinunto ni TOL sa kanyang explanatory note.

Inaatasan ng SB 2996 ang TPDA na pag-isahin ang mga hakbang ng pamahalaan para pagyamanin ang mayamang teritoryo, gayundin ang proteks­yon nito.

Kasama sa mga res­ponsibilidad ng TPDA ang pagsiguro sa pag­linang sa Talampas na naaayon sa deve­lopment priorities ng bansa.

Bilang suporta sa TPDA, naghain ng hiwalay na panukala si Tolentino para magtatag ng Talampas ng Pilipinas Oil Corporation, na partikular na tututok sa eksplorasyon ng energy resources ng rehiyon.

Si Tolentino ang punong may-akda ng Phi­lippine Maritime Zones Act (RA 12064) na nagtaguyod sa poder ng bansa sa Talampas at sa inaagaw na West Philippine Sea, alinsunod sa itinatakda at prinsipyo ng international law.

FRANCIS “TOL” TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with