^

Bansa

Paglikha ng maayos na pasahod na trabaho sa lalawigan, pinanawagan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan ang TRABAHO Partylist para sa paglikha ng mga sustainable at may maayos na pasahod na trabaho sa mga pro­binsya bilang tugon sa patuloy na problema ng matinding trapiko sa Metro Manila.

Ang panawagan kasunod ng obserbas­yon nitong Semana Santa, kung saan bu­maba ang bilang ng mga sasakyan sa lansangan, isang patunay sa tindi ng karaniwang daloy ng trapiko sa Kamaynilaan.

Sa ulat noong 2024, itinuring ang Metro Manila bilang isa sa pinaka-matrapik na lungsod sa buong mundo, kung saan umaabot sa 127 oras kada taon ang ginugugol ng mga motorista sa trapiko, katumbas ng halos limang araw.

Sa oras ng rush hour, naitala rin ang karaniwang bilis ng mga sasakyan sa 13 kilometro kada oras.

Ayon kay Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, mahalagang paigtingin ang desentralisas­yon ng mga oportunidad pang-ekonomiya upang mabawasan ang pagsisikip sa urban na lugar.

Hinimok din ng partido ang pamahalaan na mamuhunan sa mga industriya sa rehiyon, palakasin ang imprastruktura, at magbigay ng insentibo sa mga negosyong magtatayo ng operasyon sa labas ng kabisera.

TRABAHO PARTYLIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with