^

Bansa

Abalos, pinuri PNP sa mabilis na pagkakalutas ng kaso ng pagdukot at pagpaslang kay Anson Que

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Abalos, pinuri PNP sa mabilis na pagkakalutas ng kaso ng pagdukot at pagpaslang kay Anson Que
“Sabi ko nga, ipakita natin sa tao na hindi natin palalampasin ang ganitong uri ng krimen.

MANILA, Philippines — Pinuri ni dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary at Senatorial candidate Benhur Abalos Jr. ang Philippine National Police (PNP) sa pamumuno ni Chief Gen. Rommel Marbil para sa mabilis na pagkakalutas ng kaso ng pagdukot at pagpaslang sa negosyanteng si Anson Que at sa kanyang drayber na si Armanie Pabillo. “Masaya ako, tinawagan ko si Chief PNP Marbil at kanyang mga kasama, binabati ko sila. Napakagandang accomplishment niyan,” pahayag ni Abalos sa isang panayam sa radyo ngayong araw.

“Sabi ko nga, ipakita natin sa tao na hindi natin palalampasin ang ganitong uri ng krimen.” Ipinaliwanag ni Abalos na mahalaga ang tagumpay na ito lalo’t sa pagkaka-aresto kay David Tan Liao, natukoy din ang pagkakasangkot ng parehong grupo sa hindi bababa sa limang iba pang kaso ng kinap-for-ransom.

“I commend our police force led by PNP Chief General Rommel Francisco Marbil for a job well done.

This is a very hard task since our investigators literally started from scratch, yet, they were able to pinpoint one of the key players,” ani Abalos. “With this kind of investigation skills, I am confident that they would be able to identify the rest of those involved, particularly the persons who ordered the kidnapping and killing of Anson Que and his driver Armanie Pabillo,” dagdag pa niya.

 Dinukot sina Que at Pabillo noong huling bahagi ng nakaraang buwan. Natagpuan ang kanilang mga bangkay noong Abril 9 sa Rizal.

Bilang isang abogado, binigyang-diin ni Abalos ang kahalagahan ng matibay na ebidensya para makamit ang hustisya. “For me, isa ito sa pinakamasamang uri ng krimen.

Hindi na dapat maulit ito,” aniya. “Importante, right now, one thing yung pag-aresto mo.

At importante rin yung ebidensiyang makukuha mo should prove guilt without reasonable doubts.” “Para sa akin, being a lawyer myself, importante yung forensics, yung mga ebidensiya na nakukuha mo dapat yan ‘air tight’ to make sure yung conviction ay makukuha natin.

Isa pang isunod mo jan yung tinatawag nating ‘confession ng akusado’ kase yan ang mga ilalaban pagdating sa korte na,” dagdag pa ni Abalos. Ayon sa pulisya, patuloy pa rin ang paghahanap sa hindi bababa sa dalawang Chinese na pinaniniwalaang kabilang sa pangunahing grupo na nag-utos ng pagdukot at pagpatay kay Que.

Humihingi na rin ang PNP ng tulong mula sa Anti-Money Laundering Council para magsagawa ng money trail at matukoy kung sino ang tumanggap ng P200 milyong halaga ng cryptocurrency na ipinadala sa mga mastermind sa pamamagitan ng magkakahiwalay na transaksyon. Ipinahayag ni Abalos ang kanyang kumpiyansa na matutukoy pa ng PNP ang kabuuang operasyon ng modus na ito sa mga susunod na araw, lalo na’t inaasahan na rin ang pakikipagtulungan ng iba pang ahensya ng pamahalaan upang tuluyang maresolba ang kaso. “I worked with most of these key PNP officers and I can vouch for their dedication, hard work and investigation skills to bring to justice those who would dare to violate our laws,” pahayag ni Abalos.

 

DILG

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with