^

Bansa

TOL: Seguridad sa enerhiya ng Pinas, nakasalalay sa West Philippine Sea at Talampas

Pilipino Star Ngayon
TOL: Seguridad sa enerhiya ng Pinas, nakasalalay sa West Philippine Sea at Talampas
This handout photo taken on March 23, 2024 and released by the Philippine Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (PCG/BFAR) on March 25, 2024 shows an aerial view of BRP Datu Pagbuaya as it sails from the Philippine-held Thitu Island sheltered port, in the Spratly Islands, in the disputed South China Sea.
Photo by Handout / Philippine Coast Guard / AFP

MANILA, Philippines — Naniniwala si Senate Majority Leader Francis “TOL” Tolentino na susi ang paglinang sa potensyal ng West Philippine Sea (WPS) at Talampas ng Pilipinas para ibsan ang napakatagal nang kalbaryo ng mga Pilipino kaugnay sa mamahaling gasolina at elektrisidad.

 Para kay Tolentino, dapat magpatuloy ang siyentipikong pagsasaliksik at eksplorasyon sa mga nakadepositong yaman ng WPS, na kamakailan lang ay binigyan ng mas malawak na pagkilala ng global mapping service na Google Maps. “Ang rekognisyon ng Google Maps ay sumususog sa mga hakbang ng Pilipinas, kabilang ang pagsasabatas ng Philippine Maritime Zones Act, na aking iniakda,” ipinunto niya. “Ang batas na ito ay isang anyo ng geopolitical assertion sa karagatang pag-aari natin.

Nagbibigay ito ng karagdagang karapatan para mas masuri natin ang malawak na potensyal ng WPS sa tulong ng agham.” Ayon pa kay TOL, rekognisyon naman ng Talampas ng Pilipinas ang dapat isunod ng Google Maps (kasalukuyang may label na Benham Rise) at iba pang global organizations.

Pormal na umanong lumiham ang senador sa International Civil Aviation Organization (ICAO) para hilingin ang pagkilala ng global aviation industry sa WPS at Talampas ng Pilipinas. “Magsisilbing susi ang langis at natural gas na malilinang mula sa WPS at Talampas para makamit ang ating seguridad sa enerhiya, at para di na tayo laging nakaasa sa pandaigdigang pamilihan,” paliwanag niya.

Sang-ayon din siya sa pagpapalaki ng bahagdan ng renewable sources sa energy mix ng bansa. “Biniyayaan tayo ng renewable energy sources gaya ng solar at geothermal. Mahalagang bawasan ang pagsandig natin sa imported coal tungo sa indigenous sources, kabilang ang mga yamang makukuha natin mula West Philippine Sea at Talampas ng Pilipinas,” pagtatapos niya.

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with