Philippine-US Balikatan war games arangkada na

MANILA, Philippines — Umarangkada na nitong Lunes ang Phl-US Balikatan (BK 40-25 ) joint military war games na maglulunsad ng ‘full battle scenario’ sa ilang mga piling lugar sa bansa na karamihan ay sa Luzon.
Personal na binuksan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang ika-40 iteration ng taunang war drills sa pagitan ng Phl at US troops.
Nasa 6,000 AFP personnel ang lumahok sa BK 40-25 habang sa US military forces ay nasa 12,000.
Nagpadala rin ng contingent ang Australia na nasa 200 personnel, Japan, 56; United Kingdom, 11 at tig-2 sa France at Canada.
Nasa 16 bansa ang magsisilbing mga observer sa war games na kinabibilangan ng Brunei, Canada, Czech Republic, France , Germany, India, Indonesia, Lithuania, Malaysia, Netherlands, New Zealand, Republic of Korea, Singapore, Thailand, United Kingdom at Vietnam.
Nakatakda ring ipamalas ang modernong US highly mobile “NMESIS” anti-ship missile system na idedeploy malapit sa krusyal na chokepoint sa karagatan sa hilagang Luzon.
Kabilang sa mga scenario ay ang missile defense, counter landing live fire exercise, maritime strike, maritime key terrain security operations, multilateral maritime event at iba pa.
Ang war games ay tatagal hanggang Mayo 9.
- Latest