Dalagita nalunod sa ginagawang resort

CAVITE, Philippines — Patay ang isang dalagita matapos na malunod sa swimming pool ng isang resort na under construction kamakalawa sa bayan ng Kawit, dito sa lalawigan.
Hindi na naisalba pa sa pagamutan ang biktima na kinilala sa alyas “Camille”. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, alas-6:10 ng gabi nang maganap ang insidente sa Chloe Ryss Miguel Resort.
Ayon na rin sa pool owner na si Jose Gatdula, kinumpirma nito na kasalukuyan pang itinatayo at sarado pa sa publiko ang kanyang resort. Bumisita umano rito ang biktima at kanyang pamilya nitong April 18 para sa family reunion at isa rito ay dating empleyado ng may-ari ng resort.
Sa kuha CCTV camera sa resort, makikita ang biktima na nasa kiddie pool at lumipat sa adult pool nang hindi napansin ng mga kasamahan at nag-swimming hanggang sa malunod.
Tinangka pang i-revive ang dalagita ng kaniyang tiyuhin bago dinala sa pagamutan subalit idineklara nang dead-on- arrival.
- Latest