Higit 2,500 katao, arestado sa election gun ban

MANILA, Philippines — Umaabot na sa mahigit 2,500 indibidwal ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa election gun ban, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sa pinakahuling datos ng National Election Monitoring Action Center (NEMAC), mula Enero 12 - Abril 19, ay umaabot na sa 2,529 gun ban violators ang kanilang naaresto.
Sa naturang bilang, 18 ang mula sa PNP; 14 ang miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), 12 foreign nationals, at 2,418 sibilyan.
Nakumpiska mula sa mga violators ang 2,603 firearms, 2,350 ang maikling armas, 55 light weapons, 27 airsoft, 101 replicas, 60 pampasabog at 9,451 ammunition.
Lumilitaw rin sa datos ng NEMAC na mayroon nang na-validate na 28 election-related incidents (ERIs) ang PNP.
- Latest