^

Bansa

ICC tinabla Duterte camp sa ‘ID proof’ ng drug war victims

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
ICC tinabla Duterte camp sa ‘ID proof’ ng drug war victims
Composite photo shows the flag of the International Criminal Court and former President Rodrigo Duterte after he was arrested on Tuesday, March 11, 2025.
International Commission of Jurists / Released; Veronica Duterte via Instagram

MANILA, Philippines — Tinanggihan ng International Criminal Court (ICC) pre-trial chamber ang kahilingan ng legal team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na higpitan ang “victim verification process” sa imbestigasyon nito sa nangyaring “war on drugs.”

Sa isang 20-pahinang kautusan na inilabas noong Abril 17, inaprubahan ng pre-trial chamber ng ICC ang iminungkahing listahan ng mga dokumento ng “Registry” na maaaring magamit upang i-verify ang pagkakakilanlan ng mga biktima na naglalayong lumahok sa mga paglilitis.

Sinabi ng chamber na sapat ang detalye ng ICC Registry sa bawat dokumento, kabilang na ang sample format, bilang patunay ng pagkakakilanlan para sa mga aplikanteng biktima.

Ipinunto rin ng chamber na iminungkahi ng ICC Registry na tanggapin, ang isang deklarasyon na nilagdaan ng dalawang saksi kasama ang kanilang pagkakakilanlan, na nagpapatunay sa identification ng aplikante o ang kanilang kaugnayan sa biktima dahil sa kawalan ng “standard identification documents.”

Bilang tugon sa panukala ng Registry, iginiit ng abo­gado ng depensa ni Duterte na si Nicholas Kaufman, na ang “non-sequential” list ng ID ng Registry ay hindi patas.

Ang kasong crimes against humanity laban kay Duterte ay may hindi bababa sa 43 kaso ng mga pagpatay na iniuugnay sa Davao Death Squad at mga aksyon ng pulisya sa panahon ng kanyang pagkapangulo.

Binigyan ng pre-trial chamber ang prosekusyon ng hanggang Hulyo 1 para isumite ang lahat ng ebidensya laban kay Duterte, na gagamitin sa kumpirmasyon ng pagdinig ng mga kaso na nakatakda sa Setyembre 23.

ICC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with